Home > Uncategorized > EDSA 1 ANNIVERSARY

EDSA 1 ANNIVERSARY

Oh, ayan na naman. EDSA anniversary na naman. 25 years. Silver Anniversary. Iba’t-ibang opinyon. Iba’t-ibang pagsusuri. May okay. May hindi. May galit. May kuntento.

Para sa akin, na naging bahagi rin ng kasaysayan ng laban sa diktadura, proud na naging bahagi nito, pero bitin pa rin.

sabi ng ng Yano, “Kumusta ba? Ayos pa ba? Ang buhay natin, kaya pa ba? Eh kung hindi, paano na? Ewan ko ba.. bahala na.” Patay. Bahala na? Mahirap ata. Pero marami sa mga Pinoy, ganun ang sinasabi. May bagong Aquino. Pag-asa ang alok noong Mayo. Pero 7 buwan pa lang. Wala pang isang taon. Maraming ekspektasyon. May ilang pagbabago–laban sa korapsyon, reporma sa ilang ahensya, .. Pero kung pundamental na pagbabago, tiyak na wala (pa). Di naman “anti-sistema” ang Pangulo. Kaya keber lang sa PPP, liberalization, deregulation. Kaya ako, inilalapat ko lang ang mindset ko sa kasalukuyang administrasyon. Yung GANAP na pagbabago, malayo pa un. Kaya tama naman. 25 years ng EDSA, wala pa ring GANAP at PUNDAMENTAL na pagbabago. Dapat nagkaroon at magkaroon tayo ng Pangulo na magbubunot ng nakaugat na problema. Systems change ika nga. :-)

Naalala ko tuloy. 25 years ago. Nasa Baliuag ako. Doon kami naka deploy. 17 anyos. FT. Naghahanda para sa Welgang Bayan ng Pebrero 25.Dapat may sariling “guhit”. Dapat “pamunuan” ang ispontanyong kilos ng masa. Nakahanda na lahat. Pang barikada. groundwork at propa nagawa na. Magsasarado ang mga palengke. tigil pasada ang mga jeep. Pebrero 24. Kasado na.

Pebrero 25. madaling araw. TV lang at radyo ang komunikasyon. walang internet. walang cellphone. ni wala pang pager noon. palara lang ng sigarilyo ang pagte text noon. Nanonood kami ng TV. Pucha. Umalis na si Marcos!
Imbes na galak, nalito kaming bigla. Paano to? wala na si Marcos. Tuloy pa ba ang barikada? Tuloy ba ang WeBa? hintay ng command….Umaga na. Wala pang command. So, paano? Tuloy na lang natin ang barikada.

ayun, set-up pa rin ng barikada. pero ang masa, nagtatanong na? umalis na si Marcos. Panalo na tayo! tanggalin niyo na ang barikada. walang magawa. tanggal ang barikada. so ano na?

“Mga kasama, sama tayo sa tagumpay ng bayan rally” wow. babaan ang mga kasama. Nagulat ako. Ang mga nakahanda sana sa WeBa, pulos naka dilaw na! may yellow ribbon pa sa ulo. pero malulungkot. wala na si Marcos. Paano na ang rebo?

Punta kami ng Malolos. May programa para sa tagumpay ng laban. Sama-sama na. nakita ko ang ilang mga kasama ko, malulungkot pa rin. parang napilitan lang na magsuot ng dilaw na tshirt at ribbon. Pagkatapos ng “selebrasyon” balik sa dati. Ano na ang gagawin… at sumunod na ang mahabang proseso ng pag”tatasa”. tama ba ang boycott na linya? tama ba ang critical participation? etcetera , etcetera.

Yan ang alaala ko ng mga araw ng Edsa. Wala ako sa Metro Manila. Doon lang kami. Pero sa totoo lang, dama ko rin ang saya noon. Di ko lang maipakita sa ilang mga kasama. baka sabihin, “repormista” ako at dilawan hehe. 17 anyos lang ako noon.

Ngayon 42 na ako. 25 years ang nakaraan. Patuloy pa ring nangangarap sa GANAP na pagbabago. Maibibigay ba ito ng “pangalawang” Aquino? Malamang sa hindi. Kaya naniniwala pa rin ako na dapat talaga, mamulat ang mga Pinoy sa tunay na ugat ng problema natin. at ito ang dapat tugunan ng mga susunod na lider natin. sa anong paraan makapaglagay ng pangulo na “anti-sistema?” Kelan mangyayari yan? May pakiramdam akong masisilayan ko pa yan :-)

  1. dondon
    February 24, 2011 at 7:58 pm02 | #1

    nakakatuwa isipin ang nakaraan…ngunit medyo masakit din isipin na ang pinaghirapan ng taumbayan ay mapupunta lang sa wala. ako naman ay nasa grade nung 1986, sinasama ako ng nanay at tatay ko sa mga rally. isa lang ang aking naintindihan…ang palitan si marcos.. sa mura kung idad pilit kung hinagilap ang esensya ng EDSA 1… kaya ngayon kasama na ako sa mga taong gustong ituwid ang esensya ng EDSA. :)

    • dondon
      February 24, 2011 at 7:58 pm02 | #2

      grade 3*

  2. Kwentulang Marino
    February 25, 2011 at 7:58 pm02 | #3

    para sa akin ay pampulitikang pagbabago lang ang naganap. Nabago lang ang mukha.Naging laboratoryo tayo para sa isang pamamaraan ng U.S. Proud tayo na padron ng Ehipto atbp. talaga. Halos 3 dekadang pamumuno ni Mubarak ay hindi ito kinundena ng U.S pero nitong pabagsak na eh nanawawagan si Obama at Clinton ng reporma. Kailangan natin ng isang mamumunong may kakayanan mag-isip ng istratehiko kung saan dadalin ang bansa. Kaso nagpapalit nga lang daw ng mukha…

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.