Home > Pulitikal > Edsa 2

Edsa 2

Erap resign!

Pumalit si Gloria.

Nagsisi ang tao.

Mas grabe pa kay Marcos at pinalitan niya. ang pumalit, akala mo mabait, ayun pala switik!

Kaya siguro ang mga Pinoy , nadala na sa Pipol Power. kaya di napatalsik si GMA. Isip nila siguro,”baka ganun na naman ang mangyari o mas masahol na naman pag pinalitan si gloria.” ayun… 9 na taon sa Malacanang ang bruha. At sa 9 na taon, ang daming anomalya! Kaya dapat MANAGOT SIYA! PARUSAHAN! IPAKO SA KRUS!

KASO ngayon, congresswoman pa siya at patuloy na namamayagpag.  Mga dating alipores niya, naglipatan lang sa ibang partido. sabi ng iba, “Lakas Pala.”

So, buhay pa ba ang Pipol Power at dapat ba tong gunitain?

Depende siguro. Depende sa konteksto. Gunitain natin siya para di natin makalimutan ang mga kalabisan ni Gloria , maging mga nauna pa sa kanya.  Gunitain natin ang Edsa para ipaalala sa atin na nasa ating mga kamay pa rin ang sagot at solusyon sa pagbabago. Edsa1 at Edsa 2 nagawa nating makapagpabago ng gobyerno.

Kaso, depende nga sa konteksto. ano nangyari pagkatapos ng dalawang Edsa?  hindi ko na sasagutin. Alam niyo na kung ano. (nagka Edsa 3 pa pala kaso di nga lang nagtagumpay. Dapat nagka Edsa 4 din , kaso mautak na si Gloria. Di niya na pinaporma.) May 2010 election. bagong people power– people power sa balota.

Ngayon, panahon na ni Pinoy. Magka Edsa kaya uli?

  1. No comments yet.
  1. January 22, 2011 at 7:58 pm01

Leave a comment