I’m Back!

June 17, 2015 1 comment

Sa totoo lang. Ngayon ko lang uli nasilip ang blog ko. At ang tagal ko bago maka register dahil di ko na maalala ang user name at password. Buti na lang at natsambahan.

Yes! Ang tagal! Parang gusto ko ulit magsulat dito  anak ng pying kasi  nalulong sa Facebook at sa trabaho. Bigla kong naalala, “May blog nga pala ako! Mabisita nga.” At ang sarap basahin at sariwain.

After 4 years ay magtatala uli ako ng mga kwento at karanasan, mga iniisip at kung ano ano  .

Let’s go!

 

 

YouTube

September 23, 2011 Leave a comment

Kamakailan ay may bago akong “trip”

Ito ay ang pag-upload ng mga awit sa YouTube. Mga awit na ako ang kumanta at gumitara. Maraming natuwa at nagsabi na “Ayos ang bagong trip mo ah.”

Naisip ko lang kasi, bakit di ko ibahagi ang aking talento. Mga awit ito na paborito ko, at mga awit na komentaryo sa nangyayari sa ating bansa at lipunan.

Isa pa, nitong mga huling araw kasi ay nakakaramdam na ako ng pananakit sa aking daliri. Sabi ko sa aking sarili, baka mamaya di na ko makagitara, makatugtog na ngayon ay mai-post sa YouTube. Mga halos 20 kanta na siguro na upload ko.

Ngayon may bago akong mga kaibigan sa YouTube. Medyo iba rin pala ang mundo ng YouTube kumpara sa Facebook , Twitter at iba pa.

Heto ang sample ng ilang inupload ko. Sana magustuhan niyo. Maraming Salamat po.

http://www.youtube.com/watch?v=xpqyxqg7-A8

 

 

Categories: Kultural, Personal

Ang Sarap

August 9, 2011 Leave a comment

Magandang umaga, Pilipinas.

ang sarap gumising sa umaga!
ang sarap huminga!
ang sarap kumain!
ang sarap mag internet, mag skype at mag facebook!
ang sarap maghatid ng mga anak sa school!
ang sarap mag motorsiklo!
ang sarap ng kape!
ang sarap ng tocinong manok!
ang sarap makinig sa awit ni Heber!
ang sarap ng may mga kaibigan!

ang sarap mahalin at magmahal!

ang sarap mabuhay!

Categories: Uncategorized

EDSA 1 ANNIVERSARY

February 24, 2011 3 comments

Oh, ayan na naman. EDSA anniversary na naman. 25 years. Silver Anniversary. Iba’t-ibang opinyon. Iba’t-ibang pagsusuri. May okay. May hindi. May galit. May kuntento.

Para sa akin, na naging bahagi rin ng kasaysayan ng laban sa diktadura, proud na naging bahagi nito, pero bitin pa rin.

sabi ng ng Yano, “Kumusta ba? Ayos pa ba? Ang buhay natin, kaya pa ba? Eh kung hindi, paano na? Ewan ko ba.. bahala na.” Patay. Bahala na? Mahirap ata. Pero marami sa mga Pinoy, ganun ang sinasabi. May bagong Aquino. Pag-asa ang alok noong Mayo. Pero 7 buwan pa lang. Wala pang isang taon. Maraming ekspektasyon. May ilang pagbabago–laban sa korapsyon, reporma sa ilang ahensya, .. Pero kung pundamental na pagbabago, tiyak na wala (pa). Di naman “anti-sistema” ang Pangulo. Kaya keber lang sa PPP, liberalization, deregulation. Kaya ako, inilalapat ko lang ang mindset ko sa kasalukuyang administrasyon. Yung GANAP na pagbabago, malayo pa un. Kaya tama naman. 25 years ng EDSA, wala pa ring GANAP at PUNDAMENTAL na pagbabago. Dapat nagkaroon at magkaroon tayo ng Pangulo na magbubunot ng nakaugat na problema. Systems change ika nga. 🙂

Naalala ko tuloy. 25 years ago. Nasa Baliuag ako. Doon kami naka deploy. 17 anyos. FT. Naghahanda para sa Welgang Bayan ng Pebrero 25.Dapat may sariling “guhit”. Dapat “pamunuan” ang ispontanyong kilos ng masa. Nakahanda na lahat. Pang barikada. groundwork at propa nagawa na. Magsasarado ang mga palengke. tigil pasada ang mga jeep. Pebrero 24. Kasado na.

Pebrero 25. madaling araw. TV lang at radyo ang komunikasyon. walang internet. walang cellphone. ni wala pang pager noon. palara lang ng sigarilyo ang pagte text noon. Nanonood kami ng TV. Pucha. Umalis na si Marcos!
Imbes na galak, nalito kaming bigla. Paano to? wala na si Marcos. Tuloy pa ba ang barikada? Tuloy ba ang WeBa? hintay ng command….Umaga na. Wala pang command. So, paano? Tuloy na lang natin ang barikada.

ayun, set-up pa rin ng barikada. pero ang masa, nagtatanong na? umalis na si Marcos. Panalo na tayo! tanggalin niyo na ang barikada. walang magawa. tanggal ang barikada. so ano na?

“Mga kasama, sama tayo sa tagumpay ng bayan rally” wow. babaan ang mga kasama. Nagulat ako. Ang mga nakahanda sana sa WeBa, pulos naka dilaw na! may yellow ribbon pa sa ulo. pero malulungkot. wala na si Marcos. Paano na ang rebo?

Punta kami ng Malolos. May programa para sa tagumpay ng laban. Sama-sama na. nakita ko ang ilang mga kasama ko, malulungkot pa rin. parang napilitan lang na magsuot ng dilaw na tshirt at ribbon. Pagkatapos ng “selebrasyon” balik sa dati. Ano na ang gagawin… at sumunod na ang mahabang proseso ng pag”tatasa”. tama ba ang boycott na linya? tama ba ang critical participation? etcetera , etcetera.

Yan ang alaala ko ng mga araw ng Edsa. Wala ako sa Metro Manila. Doon lang kami. Pero sa totoo lang, dama ko rin ang saya noon. Di ko lang maipakita sa ilang mga kasama. baka sabihin, “repormista” ako at dilawan hehe. 17 anyos lang ako noon.

Ngayon 42 na ako. 25 years ang nakaraan. Patuloy pa ring nangangarap sa GANAP na pagbabago. Maibibigay ba ito ng “pangalawang” Aquino? Malamang sa hindi. Kaya naniniwala pa rin ako na dapat talaga, mamulat ang mga Pinoy sa tunay na ugat ng problema natin. at ito ang dapat tugunan ng mga susunod na lider natin. sa anong paraan makapaglagay ng pangulo na “anti-sistema?” Kelan mangyayari yan? May pakiramdam akong masisilayan ko pa yan 🙂

Korapsyon

January 31, 2011 1 comment

Karaniwan, ang impresyon ng mga tao sa Pilipinas ay bansa na karaniwan na ang korapsyon sa pamahalaan. Totoo naman ito. Lagi tayong topnotcher sa pinaka corrupt na bansa ayon sa Transparency International.

Noong kampanyang elektoral, ito ang pangunahing campaign line ni Noynoy Aquino. Ngayong nakaupo na siya, malalaman natin kung totoo siya sa pangakong sugpuin ang korapsyon. Isa ito sa susukatin sa kanya ng mga tao.

Anim na buwan mula nang manungkulan, sumambulat ang pinaka-engrandeng kaso ng korapsyon– KORAPSYON sa MILITAR. Isyu na naging dahilan sa pagkakakulong ng mga junior officers– ipinakulong ni Gloria at mga tuta niya. Kumanta si Rabusa. Sabit sina Reyes at iba pa. Pati na si Gloria.

Alam natin na hindi naman korapsyon lang ang problema sa ating bansa. At lalong hindi korapsyon ang ugat ng problema ng bansa— kundi mga pansistemang problema. Pero mabuti na lamang at seryoso si Noynoy na harapin ang usapin ng korapsyon, partikular itong mga bagong mga bulate ng kaso na lumabas sa lata ng imbestigasyon.

Medyo mabigat na laban ito. Militar pa ang kinalaban niyo, ika nga. Sabi ng Pangulo, imbestigahan ito, sa layuning may maparusahan. Tama. Dapat may managot. Pera ng taumbayan ang ninanakaw niyo. Ang daming gutom na Pilipino, tapos kayo, buhay milyonaryo o bilyonaryo dahil sa perang ninakaw niyo? Wala nang hiya ang mga to. Kaya ang hirap sabihang “Mga walanghiya kayo!” Wala ring epekto. Ano kaya ang dapat gawin sa mga hayup na to?

Sa ibang bansa, pag nasangkot sa anomalya ang mga lider, sila mismo ang nagre resign o minsan pa ay nagpapatiwakal. Ganun na lang sana no?

Pero dahil nga hindi rin nila gagawin yun… nananawagan na lang ako sa mga mangkukulam na may diwang makabansa. alam niyo na ang gagawin niyo siguro..:-)

Tayo namang taumbayan, ano ang gagawin natin? Tatanghod lang ba? Magkibit balikat? Dating gawi? Sana naman hindi.

Tingnan niyo mga Arabo. Pero sa atin sila natuto!

Korapsyon sa gobyerno. Sa military. Sa LTO. sa iba’t-ibang ahensya. sa kapitolyo. sa munisipyo. city hall. hanggang sa barangay. paano ito masusugpo?

Edsa 2

January 21, 2011 1 comment

Erap resign!

Pumalit si Gloria.

Nagsisi ang tao.

Mas grabe pa kay Marcos at pinalitan niya. ang pumalit, akala mo mabait, ayun pala switik!

Kaya siguro ang mga Pinoy , nadala na sa Pipol Power. kaya di napatalsik si GMA. Isip nila siguro,”baka ganun na naman ang mangyari o mas masahol na naman pag pinalitan si gloria.” ayun… 9 na taon sa Malacanang ang bruha. At sa 9 na taon, ang daming anomalya! Kaya dapat MANAGOT SIYA! PARUSAHAN! IPAKO SA KRUS!

KASO ngayon, congresswoman pa siya at patuloy na namamayagpag.  Mga dating alipores niya, naglipatan lang sa ibang partido. sabi ng iba, “Lakas Pala.”

So, buhay pa ba ang Pipol Power at dapat ba tong gunitain?

Depende siguro. Depende sa konteksto. Gunitain natin siya para di natin makalimutan ang mga kalabisan ni Gloria , maging mga nauna pa sa kanya.  Gunitain natin ang Edsa para ipaalala sa atin na nasa ating mga kamay pa rin ang sagot at solusyon sa pagbabago. Edsa1 at Edsa 2 nagawa nating makapagpabago ng gobyerno.

Kaso, depende nga sa konteksto. ano nangyari pagkatapos ng dalawang Edsa?  hindi ko na sasagutin. Alam niyo na kung ano. (nagka Edsa 3 pa pala kaso di nga lang nagtagumpay. Dapat nagka Edsa 4 din , kaso mautak na si Gloria. Di niya na pinaporma.) May 2010 election. bagong people power– people power sa balota.

Ngayon, panahon na ni Pinoy. Magka Edsa kaya uli?

Reunion

January 19, 2011 1 comment

EUPHORIA!

Yan ang pakiramdam ng lahat ng mga dumalo nitong December 18, 2010 nang magkaroon kami ng reunion ng mga batchmates ko sa highschool. Batch 1985 kami ng Regina Carmeli College (ngayon ay University of Regina Carmeli na) sa Malolos, Bulacan. Silver anniversary namin.

First time ko ring maka attend ng class reunion. Mantakin mo naman. 25 years. Iba’t ibang hugis na. iba’t ibang itsura na. May nagbago. May ganun pa rin. May dating lalake na babae na ngayon. May dating babae na mas naging babae ngayon:-)

Halos di matapos ang saya. Kwentuhan. Inuman. Sayawan. Kantyawan. Balik tanaw sa masayang nakaraan. Nanariwa ang dating alaala. Dating pag-ibig. Dating crush. Dating magkaaway. Dating magkakabarkada. May nagkaroon ng “closure”, may nabuong bagong pag-ibig.

Natutuwa ako at mukhang kakaiba ang batch namin.  Bago ang reunion, ang dami nang “mini reunions” dahil sa mga preparatory meetings. Pagkatapos ng reunion, gusto na namang magkita-kita uli. Parang nanumbalik sa pagkabata.

Naging “solid” ang buong batch. Dati magkakahiwalay , iba’t-ibang section. Akala suplada, ayun naman, di pala.

Salamat sa bisa ng bagong teknolohiya — ang internet , partikular ang Facebook,  at naging madali ang komunikasyon sa paghahanda at patuloy na ugnayan. Kaya kabi-kabila marahil ang mga reunion ngayon. Mga teacher na di nakita sa matagal na panahon.  Nag-online pa at webcam , para sa mga kaklase na nasa ibayong dagat.

Noon ko natanto na ang dami pala sa aking mga kaklase ang bahagi ng mga “bagong bayani.” May nasa U.S., Canada, Japan, Saudi, Italy, France, at kung saan-saan pa.  Nakakalat ang Batch 85. Kasama ang milyon-milyong Pinoy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa dahil walang gaanong oportunidad dito sa Pinas. Ang pinaka importante, kahit na iba’t-iba ang antas sa buhay, buo ang samahan. Kahit sa isang gabi ay hindi naging hadlang ang antas ng pamumuhay, di tulad sa pang-araw-araw kung saan ay madarama ng maraming Pinoy ang kaibahan ng “meron” at “wala”. Pantay-pantay lang. May respeto.

Napansin ko rin na dahil sa reunion, at sa internet, ay tunay na nagkakaroon ng isang komunidad sa isang “artipisyal” na mundo ng internet, tulad ng Facebook. Komunidad, na makakatulong sa iyo kapag nalulumbay ka o nagbibigay sa yo ng pagpapahalaga. Komunidad na tutulong sa yo upang mas maging mabuti kang tao.

Sa aking mga batchmates, MISS KO NA KAYO! Reunion ulit. May Valentines Day ngayong Pebrero.

Malakanyang

January 19, 2011 5 comments

Kahapon, mapalad ako na makatuntong sa loob ng Malakanyang. Matagal ko nang pinangarap na makapasok rito mula nang ako ay maging aktibista dahil ito ang simbolo ng kapangyarihan sa aking mahal na bayang Pilipinas.

Sa loob ng 25 taon, ang aking / aming pagnanasang makapasok rito ay umaabot lamang hanggang sa paanan ng Mendiola bridge. Minsan basang-basa mula sa water cannon, mahapdi ang mata at lalamunan mula sa teargas, tinutugis ng mga anti riot police, pagod, bigo.

Ang pinaka di ko malilimutang karanasan ay ang pagiging bahagi ng pagkilos noong January 22, 1987– ang Mendiola Massacre. Kayag ko ang halos 40 estudyante mula sa hayskul sa Bulakan. 17 anyos ako noon. Maraming namatay. Ako, walang naramdamang takot. Makibaka! Wag Matakot!

Kasama ang mga kaibigan mula sa Sweden na nakipagpulong kay PNoy, nais kong lubos na madama kung ano ang pakiramdam sa loob ng palasyo. Inamoy, dinama, pinakiamdaman.  Nais kong magkaroon ng direktang karanasan upang higit na mabuhay ang aking pangarap na isang araw, mas mga kasama na namin ang mag oopisina doon –kung saan ang mga mamamayan na ang tunay na may hawak ng kapangyarihan.

KAPANGYARIHAN. ito ang pumapasok sa isip ko habang naghihintay sa Pangulo at habang kaharap na siya. Malakanyang. Luklukan ng kapangyarihan.

Sa loob ng mahigit ng kalahati ng buhay ko ngayon na naging involved sa kilusan para sa pagbabago, ngayon mas higit kong nadama na kailangang palakasin ang kapangyarihan ng mga mamamayan upang makamit ang ganap na kapangyarihan. (sabi nga sa diksyunaryo, ang kapangyarihan ay ang kakayanan/abilidad na gawin o makamit ang isang bagay– at para sa akin at sa aking mga kasama, ang bagay na ito ay ang ganap na demokrasya sa ating bansa.)

At alam ko, at napagtanto ko na marami pa ako/kaming kailangang gawin upang magkaroon ng tunay na kapangyarihan. Naniniwala pa rin ako na ang kapangyarihang ito ay makakamit lamang kung ang mga mamamayan ay may tunay nang kapangyarihan. may malakas na pwersa. may sapat na kakayahan. may sapat na talino at lakas ng loob na harapin at makipaglaban.

Nagiging “senti” na naman yata ako.  Delikado.

Disapproval of water rate increases a welcome relief for Metro Manila

January 15, 2009 1 comment

The Freedom from Debt Coalition today hailed the Metropolitan Waterworks and Sewerage System’s recent decision to disallow any water rate increases for the entire year of 2009 as a welcome relief for Metro Manila’s 12 million residents now facing the initial tremors of a global economic crisis.

Citing statements made by MWSS Administrator Diosdado Allado, FDC characterized the decision as a long-awaited recognition by the MWSS of the “insensitivity” of any possible rate increase to “the plight of Filipinos”.

Last Wednesday, Allado announced the decision of MWSS, stating that, “We are all called upon to make sacrifices and show our patriotism in some way and we ask our concessionaires to show the same.”

FDC said that the rate hikes proposed by Manila Water and Maynilad would have been a very heavy burden to many of the Metro Manila households, had they been approved.

Word of caution

FDC, however, cautioned that the crisis should not be exploited to railroad old proposals to extend the concession contracts or to grant further allowances to the two concessionaires without closely examining other alternative solutions that may be explored.

According to FDC, current proposals and negotiations to extend the concession contracts of the two concessionaires are being held behind closed doors. They stated that details of any proposals between the concessionaires and MWSS should be revealed and that these be approached with the interests of the consumers in mind.

They stressed that MWSS should step up efforts to include civil society groups and consumers in determining the next steps to be undertaken in ensuring that the water needs of Metro Manila consumers will be adequately met.

Necessary first step

FDC Vice-President Edwin Chavez stated that the disapproval of any proposed increases in Metro Manila water rates is the necessary first step not only in mitigating the impact of the global crisis on the basic water needs of Metro Manila consumers. It is the first step as well in reviewing the actual privatization scheme implemented since 1997.

“This is an opportune time for us to look back on past rate increases and the actual performance and project expenditures of the two concessionaires which have always been used to justify the numerous rate increases implemented since 1997”, said Chavez.

“We hope that MWSS’ recent disapproval of the proposed rate increases will be but the first indicator of a renewed MWSS asserting its role and authority in protecting consumer interests.” said Chavez.

Maynilad to Increase Tariff by Jan 1’09: Gandang Pamasko at Salubong sa Bagong Taon ng mga Hayupak!

December 2, 2008 6 comments

Below is a statement prepared by Freedom from Debt Coalition (FDC) opposing new tariff increase by Maynilad. Aba’y wala tayong kamuwang-muwang na magtataas pala ng singil ang mga damuho ng halos 12 pesos kada cub

tubig!

ic meter. Matindi. sa gitna ng krisis e tubo na katakot-takot pa rin ang

iniisip ng mga damuho.  kagandang pamasko at pasalubong sa bagong taon ng mga hinayupak na are. pumapayag kasi tayo sa privatization. ayan ang napapala natin.  Sana maraming consumers ang tumutol dito.

———————————

FDC: No tariff increase for Maynilad

The Freedom from Debt Coalition opposes the unconscionable rate hike being peddled by Maynilad Water Services, and condemns as insensitive Maynilad’s profit-oriented attempt to proceed with business as usual in the midst of a financial crisis that has left the poor extremely vulnerable to the slightest rate increase in basic necessities such as oil, power, and water. The proposed rate adjustment is part of the rate rebasing exercise, a scheduled business mechanism done once every five years that paves the way for large rate hikes based on new business plans proposed by water concessionaires to the Metropolitan Waterworks and Sewerage System – Regulatory Office (MWSS-RO). In its “public consultation” held last Friday, Maynilad presented an increase of P 7.10 in the basic tariff for households consuming 30 cubic meters a month.

The cited amount, however, is misleading and does not fully present the impact of this proposed increase. If Maynilad gets its way and the proposed increase is approved, VAT, environmental and sewerage charges, which are all based on the basic tariff charge, will also go up. Households connected to Maynilad’s sewer lines will experience an increase of at least P11.93 per cubic meter. Those without sewer services will take on an increase of P8.75. In the final equation, the average household’s monthly bill will go up by P262-P357. With 86% of Maynilad’s consumers composed of residential connections, 20% of which belong to depressed communities, Maynilad’s proposed rate increase cannot be taken lightly. For several years Maynilad has enjoyed tax holiday incentives from the Bureau on Investments and until now continues its attempt to retain this incentive. In the absence of this tax holiday, Maynilad insists that it is not precluded from having its consumers shoulder Maynilad’s corporate taxes.

FDC believes it is only right that Maynilad reveal a breakdown of their proposed rate hike to publicly show how much of what is to be paid will actually go to the payment of corporate taxes, to the payment of MWSS loans and loan interests, and to the actual projects that they are proposing to undertake. From the P7.10 increase, how much will go to Maynilad’s coffers as revenue? How much of the proposed increase will be allocated to corporate perks for Maynilad’s executives? These items must all be properly laid down in any consultation that purports to seek public approval for a rate increase. The people’s right to refuse paying for unnecessary extravagances must be recognized. We should know what we are actually paying for. Without such transparency in the rate proposal, the public consultation being held will amount to nothing more than a procedural farce. Maynilad’s current rates are already being disputed as over-priced, thereby placing in doubt any moral ground to demand further increases.

A civil case filed by civil society groups questioning Maynilad’s rate hike of January 2005 still remains pending until today thanks to Maynilad’s stubborn refusal to submit its rates under the jurisdiction of the National Water Resources Board, the only water regulatory body with quasi-judicial functions to look into water rates for consumer interests. To this day, the question of whether or not we are paying too much still remains unanswered. It is therefore sheer temerity on Maynilad’s part to demand a rate hike it does not deserve. Maynilad is nowhere near the service targets it submitted in 1997 and still owes the MWSS at least $36.9 Million in unpaid concession fees, not inclusive of a disputed $18.1 Million also claimed by MWSS as additional concession fees. These fees, which should have rightly been paid years ago, have been permitted to be restructured so as to give Maynilad’s new management more room to breathe. Are we to understand then that while the government willingly bailed out Maynilad when it was in dire financial straits, that same government will now stand idly by as Maynilad demands a rate hike that the poor cannot afford? Where is the government in all this? Government itself has also come to earn revenues from Maynilad’s consumers, and continues to insist that Metro Manila consumers should shoulder all the expenses of water provision. It has already collected more than P1.6 B in VAT revenues from Maynilad’s consumers in the years 2006 and 2007. More has been collected in prior years.

As senate debates the allocation of taxes collected from the people, FDC calls on them to reconsider the moral propriety of refusing to allocate people’s taxes to something as basic as water provision. Maynilad’s proposed water rate increase must be opposed. The welfare of millions of consumers in more than 600,000 household connections in Maynilad’s west zone must be protected from the non-transparent profit mechanisms employed by Maynilad.

FDC refuses to wait until disconnections are imposed on 150,000 destitute households that cannot afford the rate hike. We call on government to do the same.